Saturday, November 3, 2012

Isang Salusalo



      Ika Oktubre 21, 2012 ng ako ay nagulantang ng dumalaw ang aking mga kamag anak na mula pa sa ibang bansa. Kasama nila dito ang ilan ding kamag anak na matagal ng namamalagi sa bayan ng Castilla at ang iba naman ay matagal ng naninilbihan sa kalakhang Maynila. Alam kong darating sila pero di ko lang alam kung anong araw.
     Isang malaking pasasalamat sa Diyos na sila ay makasama namin, ng aking maybahay at mga anak at magkita kitang muli. Kahit ilang oras lang ang pinag lagi nila sa aming munting dampa, ay parang iba rin ang aking naramdaman. Pakiramdam ko ay para na rin kaming matagal na nagkita. Oo nga nagkita na kami noong mga musmos pa kami ngunit iba iyong nasa hustong gulang na kami. Malayo layo na rin ang naabot nila pero ang mga ugali nila ay tila iba. Ibang iba sa mga taong naka halubilo ko. Napaka simple, ang panlabas ay parang yagit na tulad ko malinis linis nga lang ang mga damit, mga kilos ay may kasamang pag galang pa. Sa hapag kainan ay parang matagal na rin kaming nagsalu salo. Naghugas ng mga kamay at sabay sabay na kumain. Nadatnan kaming nag iinuman ng mga kumpadre ko at buong lugod pang nakiinom kahit sinabing di sila umiinom. At sa muli, taos pusong pasasalamat sa aking mga kamag anak.