Saturday, November 3, 2012
Isang Salusalo
Ika Oktubre 21, 2012 ng ako ay nagulantang ng dumalaw ang aking mga kamag anak na mula pa sa ibang bansa. Kasama nila dito ang ilan ding kamag anak na matagal ng namamalagi sa bayan ng Castilla at ang iba naman ay matagal ng naninilbihan sa kalakhang Maynila. Alam kong darating sila pero di ko lang alam kung anong araw.
Isang malaking pasasalamat sa Diyos na sila ay makasama namin, ng aking maybahay at mga anak at magkita kitang muli. Kahit ilang oras lang ang pinag lagi nila sa aming munting dampa, ay parang iba rin ang aking naramdaman. Pakiramdam ko ay para na rin kaming matagal na nagkita. Oo nga nagkita na kami noong mga musmos pa kami ngunit iba iyong nasa hustong gulang na kami. Malayo layo na rin ang naabot nila pero ang mga ugali nila ay tila iba. Ibang iba sa mga taong naka halubilo ko. Napaka simple, ang panlabas ay parang yagit na tulad ko malinis linis nga lang ang mga damit, mga kilos ay may kasamang pag galang pa. Sa hapag kainan ay parang matagal na rin kaming nagsalu salo. Naghugas ng mga kamay at sabay sabay na kumain. Nadatnan kaming nag iinuman ng mga kumpadre ko at buong lugod pang nakiinom kahit sinabing di sila umiinom. At sa muli, taos pusong pasasalamat sa aking mga kamag anak.
Saturday, August 11, 2012
Hotels and Resorts near Lupi
Marami ang nagtatanong lalo na ang mga kamag anak ko ng iba't ibang pasyalan at mga tuluyan dito sa bayan ko. Marahil sa liit at lokasyon ng lugar na ito, ay wala pang naglakas loob na magtayo dito. Naniniwala ako na balang araw ay magkakaroon din lalo na iyong may malalaking hasyenda dito. Maayos nila at buksan para maging pasyalan o kaya gawing retreat ng mga bakasyonistang naghahangad ng pansamantalang pahingahan o naghahanap ng katahimikan laban sa mabilis na pag usad ng teknolohiya.
Sa ngayong wala pa akong nakikita na mga hotel o resort. Kaya eto, sinibukan kong ilista ang mga iyon, lalo na ang malapit sa akin.
Celmar Hotel
National Hgway, Barangay Impig, Sipocot, Camarines Sur Tel#606020, rates P200-600
Tito Antolin Spring Resort
Barangay Gaongan, Sipocot, Camarines Sur 0917-474-1798
Traveler's Inn
Quirino Hgway, Barangay Gaongan, Sipocot Tel# 66116, rates 150-200
Villa Maria Esperanza Resort
Barangay Taisan, Sipocot Tel# 54-256-6600, rates P350-1500
Sa ngayong wala pa akong nakikita na mga hotel o resort. Kaya eto, sinibukan kong ilista ang mga iyon, lalo na ang malapit sa akin.
Celmar Hotel
National Hgway, Barangay Impig, Sipocot, Camarines Sur Tel#606020, rates P200-600
Tito Antolin Spring Resort
Barangay Gaongan, Sipocot, Camarines Sur 0917-474-1798
Traveler's Inn
Quirino Hgway, Barangay Gaongan, Sipocot Tel# 66116, rates 150-200
Villa Maria Esperanza Resort
Barangay Taisan, Sipocot Tel# 54-256-6600, rates P350-1500
Thursday, March 15, 2012
Sunday, February 5, 2012
Kamusta Po Kamo
Ang aming tahanan sa Lupi, Camarines Sur
Dios Marhay na aldaw. Maraming salamat sa pagdalaw niyo sa aking munting dampa. Ito po ang buhay ng isang tahimik na mamamayan na laking baryo, orihinal na probinsiyano. Kung ano po ang meron sa paligid ko ay kinailangan kong pagyamanin at paunlarin dahil wala naman akong pagkukunang iba pa. Kaya eto, ng magkaroon ako ng kaunting kaalaman sa Internet at nagkaroon ng linya dito sa aming pook ay sinubukan kung pag aralan ito ng husto. Napakarami kung natutunan, hindi lamang ang makipag ugnayan sa mga kamag anak ko, alamin ang mga pangyayari sa paligid ligid, at higit sa lahat ay madagdagan ang mga kaalaman ko mula pangkabuhayan patungo sa pagiging mabuting tao. Natutunan kong gumawa ng isang website na umaasa na kahit papaano ay maibahagi ang aking pakikibaka sa araw araw na buhay.
Malawak na tanawin, masarap na simoy ng hangin
Ako po ay tubong bayan ng Lupi, Camarines Sur. Maliit na bayan pero sagana sa biyaya tulad ng tahimik na pamumuhay, sariwang hangin, mga prutas at punongkahoy na kusa na lang umuusbong mula sa mayabong na lupa, tubig na dumadaloy sa sapa na galing sa bundok, eto po ang mundo ni Kuya Juan M. email labansakahirapan@yahoo.com. Sa muling pakikipag ugnayan, dios mabalos.
Subscribe to:
Posts (Atom)