Ang aming tahanan sa Lupi, Camarines Sur
Dios Marhay na aldaw. Maraming salamat sa pagdalaw niyo sa aking munting dampa. Ito po ang buhay ng isang tahimik na mamamayan na laking baryo, orihinal na probinsiyano. Kung ano po ang meron sa paligid ko ay kinailangan kong pagyamanin at paunlarin dahil wala naman akong pagkukunang iba pa. Kaya eto, ng magkaroon ako ng kaunting kaalaman sa Internet at nagkaroon ng linya dito sa aming pook ay sinubukan kung pag aralan ito ng husto. Napakarami kung natutunan, hindi lamang ang makipag ugnayan sa mga kamag anak ko, alamin ang mga pangyayari sa paligid ligid, at higit sa lahat ay madagdagan ang mga kaalaman ko mula pangkabuhayan patungo sa pagiging mabuting tao. Natutunan kong gumawa ng isang website na umaasa na kahit papaano ay maibahagi ang aking pakikibaka sa araw araw na buhay.
Malawak na tanawin, masarap na simoy ng hangin
Ako po ay tubong bayan ng Lupi, Camarines Sur. Maliit na bayan pero sagana sa biyaya tulad ng tahimik na pamumuhay, sariwang hangin, mga prutas at punongkahoy na kusa na lang umuusbong mula sa mayabong na lupa, tubig na dumadaloy sa sapa na galing sa bundok, eto po ang mundo ni Kuya Juan M. email labansakahirapan@yahoo.com. Sa muling pakikipag ugnayan, dios mabalos.
No comments:
Post a Comment