Friday, February 1, 2013

Patungo sa Lupi


Sabi ng nakakarami ay mahirap daw puntahan ang aming baryo. Sa totoo lang po ay mahirap din siyang hanapin tulad na rin ng aming bayan. Sa mga baguhang manlalakbay ang kailangan po ay maging alerto tayo at ipaubaya ang pasensiya. Kapag malipat na sa bayan ay mangyari lang subukang magmasid masid at magtanong sa paligid. Sa dahilan na ang pinaka sentro ng baying poblasyon ay nasa looban. Nasa looban din ang aking baryo at nasa kabilang dako pa ng bayan mismo. Oo nga naman. Sa liit ba naman nitong baryo na merong populasyon na wala pa yatang siyam na raan ay mahirap po yatang ituldok sa mapa. Kaya po eto at naglakas loob akong bigyan ng landas ang tungo sa kinalalagyan namin. At sinisiguro ko po, na ang halos pitong (7) oras na biyahe niyo ay masusulit ang mga pagod niyo sa mga bubulagang tanawin sa paligid.
Daan patungong Lupi mula sa Metro Manila:
Pasukin po natin ang SLEX (South Luzon Express Way)
Kumanan patukoy sa labasan ng Batangas/Lucena Exit (patungong Turbina)
Eto po ang mga bayang madadaanan -
Calamba City, Laguna - lugar ng kapanganakan ng pambansang bayani, Jose Rizal
Sto. Tomas, Batangas,
Alaminos, Laguna
San Pablo, Laguna
Tiaong, Quezon
Candelaria, Quezon
Sariaya, Quezon - di lang kilala ang Quezon sa lansones, maraming nagga gandahang beach resorts
Lucena City, Quezon
Pagbilao, Quezon
Atimonan, Quezon
Plaridel, Quezon
Gumaca, Quezon - naka kunsomo na kayo ng mga 200 kms, o may apat (4) na oras na biyahe na
Lopez, Quezon
Calauag, Quezon - kakanan po tayo sa daan ng Rolando R. Andaya (Quirino Highway)
Tagkawayan, Quezon
Del Gallego - unang bayan ng Camarines Sur
Ragay
Lupi - hindi po tayo kakaliwa patungong poblasyon.
Diretso lang po tayo sa Sipocot
Kaliwa tayo sa Tara sa daang PanPhil Hway
Pagdating sa baryo ng Sooc ay kakaliwa po tayo sa daang Barangay. Mga apat (4) na kilometro pa ay nasa baryo  na po tayo ng La Purisima.

Maligayang pagdating!