Sabi ng nakakarami ay
mahirap daw puntahan ang aming baryo. Sa totoo lang po ay mahirap din siyang
hanapin tulad na rin ng aming bayan. Sa mga baguhang manlalakbay ang kailangan
po ay maging alerto tayo at ipaubaya ang pasensiya. Kapag malipat na sa bayan
ay mangyari lang subukang magmasid masid at magtanong sa paligid. Sa dahilan na
ang pinaka sentro ng baying poblasyon ay nasa looban. Nasa looban din ang aking
baryo at nasa kabilang dako pa ng bayan mismo. Oo nga naman. Sa liit ba naman
nitong baryo na merong populasyon na wala pa yatang siyam na raan ay mahirap po
yatang ituldok sa mapa. Kaya po eto at naglakas loob akong bigyan ng landas ang
tungo sa kinalalagyan namin. At sinisiguro ko po, na ang halos pitong (7) oras
na biyahe niyo ay masusulit ang mga pagod niyo sa mga bubulagang tanawin sa
paligid.
Daan patungong Lupi
mula sa Metro Manila:
Pasukin po natin ang
SLEX (South Luzon Express Way)
Kumanan patukoy sa labasan ng Batangas/Lucena Exit (patungong Turbina)
Eto po ang mga bayang madadaanan -
Kumanan patukoy sa labasan ng Batangas/Lucena Exit (patungong Turbina)
Eto po ang mga bayang madadaanan -
Calamba City, Laguna - lugar ng kapanganakan ng pambansang bayani, Jose Rizal
Sto. Tomas, Batangas,
Alaminos, Laguna
San Pablo, Laguna
Tiaong, Quezon
Candelaria, Quezon
Sariaya, Quezon - di lang kilala ang Quezon sa lansones, maraming nagga gandahang beach resorts
Lucena City, Quezon
Pagbilao, Quezon
Atimonan, Quezon
Plaridel, Quezon
Gumaca, Quezon - naka
kunsomo na kayo ng mga 200 kms, o may apat (4) na oras na biyahe na
Lopez, Quezon
Calauag, Quezon - kakanan po tayo sa daan ng Rolando R. Andaya (Quirino Highway)
Tagkawayan, Quezon
Del Gallego - unang
bayan ng Camarines Sur
Ragay
Lupi - hindi po tayo
kakaliwa patungong poblasyon.
Diretso lang po tayo
sa Sipocot
Kaliwa tayo sa Tara sa
daang PanPhil Hway
Pagdating sa baryo ng
Sooc ay kakaliwa po tayo sa daang Barangay. Mga apat (4) na kilometro pa ay
nasa baryo na po tayo ng La Purisima.
No comments:
Post a Comment