May mga nagtatanong lalo
na ang mga kamag anak ko kung anu ano ang ikinabubuhay namin at kung meron mang pinagkakakitaan. Ang sabi pa ng
nakararami ay wala daw bakas ng paghihirap na makikita sa aking mga mata, ang
pawang malulusog kong mga anak, ang matikas kong pangangatawan ay tila nagpapahiwatig sa kanila na kami ay di hirap at masayang namumuhay dito sa aming baryo.
Tulad na marahil ng mga
pangkaraniwang naninirahan sa baryo, ang mga hanapbuhay namin ay hindi halos
nagkakaiba. Sa araw araw na pagbubungkal at pagtatanim ng mga halaman, pag
aalaga ng mga hayop, at ang pagbubukid ay iyan lang po ang bumubuhay sa akin at ang aking pamilya.
Eto naman sa isang paligid ay mayroon akong maliit na native
manukan. Iyan po nakahanda ang mga manok kung kailangan ng masarap sarap na
chicken barbecue.
Eto pong mga pananim na mga
niyog sa aming paligid ay aming ginagawang kopra at pinagkukunan na rin ng
uling. Meron akong isang pribadong tricycle na aming pinaka transportasyon sa pagdala ng mga paninda sa bayan, pamimili ng mga pagkain at iba pang kailangan sa bahay, paghatid sundo sa paaralan.
At kung gusto mo namang first class na inumin ay nakahanda yan para
gawing buko juice.
Meron din pong pag tawid
gutom sa araw araw na nanggagaling sa aming maliit na grocery store. Kaya
minsan din ay nauubos ang paninda dahil sa dito na rin kami kumukuha ng aming
pangangailangan.
Umaasa po ako na sa susunod pang mga araw na madaragdagan ang kasalukuyan naming pang kabuhayan sa tulong ng mga taga labas. Eto po ang pag uusap namin ng aking mga kamag anak na magtayo kami ng mga programa lalo na sa pagpapaunlad ng aming kabuhayan. Kaya masaya at buong pugay kong sinasalubong ang bagong taon.
No comments:
Post a Comment