Kamakailan ay napansin ko ang unti unting pagbabago ng aking katawan. Natatandaan ko pa noong isang umaga habang ako ay naka upo at nagbubunot ng damo at mga ligaw na mga halaman, ng ako ay tumayo ay nakaramdam ako ng pagkahilo at paglabo ng aking mga paningin. Naisip ko na kulang lang siguro ako sa pagkain ng umagang yon. Ngunit makalipas ang ilang araw, ilang linggong nakaraan, napansin ko na dumadalas na yata etong nararamdaman ko at karaniwan nga ay mainit ang ulo ko na napansin tuloy ng aking maybahay. Pansin ko rin sa aking sarili, pati ulo ko nga mismo kung hahaplusin ay mainit. Mahirap isipin na habang tumatakbo ang panahon, nagbabago na rin ang mekanismo ng aking katawan, ang aking kalagayan ay nagbabago. Kaya sa payo ng aking maybahay, minabuti kong magpatingin sa pinaka malapit na Health Center. At sa tulong ng internet, muli ko na ring pinalawak ang aking kaalaman.
Ang altapresyon, hypertension, o maskilala sa tawag na high blood pressure ay ang pagtaas ng presyon dahil sa paghina ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Ang paghina ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat ay siyang dahilan kung bakit tumataas ang presyon sa parti ng katawaan kung saan namumoo ang dugo. Ito ay nagiging sanhi ng pagkapagud ng puso. Pinipilit ng puso na mapabilis ang daloy ng dugo kaya lalakasan niya ang pagtulak ng dugo upang dumaloy sa mga ugat. Ito ang tinatawag na systolic pressure, ang numerong nasa taas kapag nagpapatingin ng “blood pressure. Ang numerong nasa baba naman ang tumotukoy kung gaano kalakas ang pagrelaks ng puso upang kumoha ng dugo.
Ito ay isang malubhang sakit kung saan ang mataas na presyon ng dugo ay nagiging sanhi ng pamamaga ng mga ugat sa mata (ang nerve na kumukontrol sa paningin). Ito ay itinuturing na isang “medical emergency”. Marami sa inyong mga mahahalagang organo ay nasa malubhang panganib ng pinsala kasama ang inyong mga utak, ang iyong mga mata, blood vessels, puso, at bato.
Mga Sintomas ng Altapresyon:
Karamihan sa mga taong may altapresyon ay nasa mabuting kalagayan. Nalalaman na lamang nila eto kapag nagpa check up sila sanhi ng iba nilang karamdaman.
Palaging masaki ang ulo
Pagkahilo
Lumalabo ang paningin
Sumasakit ang batok
Pagkabalisa
Pananakip ng dibdib
Sobra ang pagkapagod
Sobrang pawis
Pagsusuka
Pamumutla
Pananakit ng mga kalamnan
Para maiwasan ang Altpresyon:
Mag-ehersisyo - Ang ehersisyo ay makakatulong upang masanay ang puso sa mabilisang gawain, makakatulong din ito upang mapabilis ang daloy ng dugo sa mga ugat. Kung ang katawan ay sanay sa pag-eehersisyo, ang puso rin ay masasanay sa mabilisang pagtibok ng hindi nakakadama ng pagod.
Iwasan ang paninigarilyo – ang nikotinang laman nito ay sanhi ng mabilis na pagtibok ng puso
Magbawas ng timbang
Kumain ng malulusog at masustansiyang pagkain
Iwasan ang pagkain ng sobrang asin – ang sodium na langkap nito ay siyang humihila sa tubig papunta sa isang parti ng katawan, mahihirapan ang pusong paikutin ang dugo kapag nangyari eto
Kumain ng pagkaing mayaman sa potasyo, potassium – kabaligtaran eto ng asin. Mga pagkain prutas at gulay, kilala dito ang saging
Iwasan ang alkohol
Iwasan ang pagiging emosyonal - Ang sobrang galit at sobrang pagkagulat ay maaring magdulot ng altapresyon. Kung meron nang altapresyon, iwasan ang sobra-sobrang emosyon. Kapag may problema, ipikit ang mga mata, huminga ng malalim at mgbilang hagang dalawangpo, sa pamamagitan nito magkakaruon kayo ng panahon upang marelaks ang puso at ang isip, mas mapapadali ang pag resulba ng problem kung kayo ay mahinahon at hindi nagpapadala sa bugso ng emosyon.
Iba pang basihan na kinunan ko tungkol sa alta-presyon:
No comments:
Post a Comment