Saturday, March 9, 2013

Altapresyon

      Kamakailan ay napansin ko ang unti unting pagbabago ng aking katawan. Natatandaan ko pa noong isang umaga habang ako ay naka upo at nagbubunot ng damo at mga ligaw na mga halaman, ng ako ay tumayo ay nakaramdam ako ng pagkahilo at paglabo ng aking mga paningin. Naisip ko na kulang lang siguro ako sa pagkain ng umagang yon. Ngunit makalipas ang ilang araw, ilang linggong nakaraan, napansin ko na dumadalas na yata etong nararamdaman ko at karaniwan nga ay mainit ang ulo ko na napansin tuloy ng aking maybahay. Pansin ko rin sa aking sarili, pati ulo ko nga mismo kung hahaplusin ay mainit. Mahirap isipin na habang tumatakbo ang panahon, nagbabago na rin ang mekanismo ng aking katawan, ang aking kalagayan ay nagbabago. Kaya sa payo ng aking maybahay, minabuti kong magpatingin sa pinaka malapit na Health Center. At sa tulong ng internet, muli ko na ring pinalawak ang aking kaalaman.
      Ang altapresyon, hypertension, o maskilala sa tawag na high blood pressure ay ang pagtaas ng presyon dahil sa paghina ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Ang paghina ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat ay siyang dahilan kung bakit tumataas ang presyon sa parti ng katawaan kung saan namumoo ang dugo. Ito ay nagiging sanhi ng pagkapagud ng puso. Pinipilit ng puso na mapabilis ang daloy ng dugo kaya lalakasan niya ang pagtulak ng dugo upang dumaloy sa mga ugat. Ito ang tinatawag na systolic pressure, ang numerong nasa taas kapag nagpapatingin ng “blood pressure. Ang numerong nasa baba naman ang tumotukoy kung gaano kalakas ang pagrelaks ng puso upang kumoha ng dugo.
      Ito ay isang malubhang sakit kung saan ang mataas na presyon ng dugo ay nagiging sanhi ng pamamaga ng mga ugat sa mata (ang nerve na kumukontrol sa paningin).  Ito ay itinuturing na isang “medical emergency”.  Marami sa inyong mga mahahalagang organo ay nasa malubhang panganib ng pinsala kasama ang inyong mga utak, ang iyong mga mata, blood vessels, puso, at bato.
Mga Sintomas ng Altapresyon:
      Karamihan sa mga taong may altapresyon ay nasa mabuting kalagayan. Nalalaman na lamang nila eto kapag nagpa check up sila sanhi ng iba nilang karamdaman.
Palaging masaki ang ulo
Pagkahilo
Lumalabo ang paningin
Sumasakit ang batok
Pagkabalisa
Pananakip ng dibdib
Sobra ang pagkapagod
Sobrang pawis
Pagsusuka
Pamumutla
Pananakit ng mga kalamnan

Para maiwasan ang Altpresyon:
Mag-ehersisyo - Ang ehersisyo ay makakatulong upang masanay ang puso sa mabilisang gawain, makakatulong din ito upang mapabilis ang daloy ng dugo sa mga ugat. Kung ang katawan ay sanay sa pag-eehersisyo, ang puso rin ay masasanay sa mabilisang pagtibok ng hindi nakakadama ng pagod.
Iwasan ang paninigarilyo – ang nikotinang laman nito ay sanhi ng mabilis na pagtibok ng puso
Magbawas ng timbang
Kumain ng malulusog at masustansiyang pagkain
Iwasan ang pagkain ng sobrang asin – ang sodium na langkap nito ay siyang humihila sa tubig papunta sa isang parti ng katawan, mahihirapan ang pusong paikutin ang dugo kapag nangyari eto
Kumain ng pagkaing mayaman sa potasyo, potassium – kabaligtaran eto ng asin. Mga pagkain prutas at gulay, kilala dito ang saging
Iwasan ang alkohol
Iwasan ang pagiging emosyonal - Ang sobrang galit at sobrang pagkagulat ay maaring magdulot ng altapresyon. Kung meron nang altapresyon, iwasan ang sobra-sobrang emosyon. Kapag may problema, ipikit ang mga mata, huminga ng malalim at mgbilang hagang dalawangpo, sa pamamagitan nito magkakaruon kayo ng panahon upang marelaks ang puso at ang isip, mas mapapadali ang pag resulba ng problem kung kayo ay mahinahon at hindi nagpapadala sa bugso ng emosyon.
Iba pang basihan na kinunan ko tungkol sa alta-presyon:

6. Salamat doc TV program

Friday, February 1, 2013

Patungo sa Lupi


Sabi ng nakakarami ay mahirap daw puntahan ang aming baryo. Sa totoo lang po ay mahirap din siyang hanapin tulad na rin ng aming bayan. Sa mga baguhang manlalakbay ang kailangan po ay maging alerto tayo at ipaubaya ang pasensiya. Kapag malipat na sa bayan ay mangyari lang subukang magmasid masid at magtanong sa paligid. Sa dahilan na ang pinaka sentro ng baying poblasyon ay nasa looban. Nasa looban din ang aking baryo at nasa kabilang dako pa ng bayan mismo. Oo nga naman. Sa liit ba naman nitong baryo na merong populasyon na wala pa yatang siyam na raan ay mahirap po yatang ituldok sa mapa. Kaya po eto at naglakas loob akong bigyan ng landas ang tungo sa kinalalagyan namin. At sinisiguro ko po, na ang halos pitong (7) oras na biyahe niyo ay masusulit ang mga pagod niyo sa mga bubulagang tanawin sa paligid.
Daan patungong Lupi mula sa Metro Manila:
Pasukin po natin ang SLEX (South Luzon Express Way)
Kumanan patukoy sa labasan ng Batangas/Lucena Exit (patungong Turbina)
Eto po ang mga bayang madadaanan -
Calamba City, Laguna - lugar ng kapanganakan ng pambansang bayani, Jose Rizal
Sto. Tomas, Batangas,
Alaminos, Laguna
San Pablo, Laguna
Tiaong, Quezon
Candelaria, Quezon
Sariaya, Quezon - di lang kilala ang Quezon sa lansones, maraming nagga gandahang beach resorts
Lucena City, Quezon
Pagbilao, Quezon
Atimonan, Quezon
Plaridel, Quezon
Gumaca, Quezon - naka kunsomo na kayo ng mga 200 kms, o may apat (4) na oras na biyahe na
Lopez, Quezon
Calauag, Quezon - kakanan po tayo sa daan ng Rolando R. Andaya (Quirino Highway)
Tagkawayan, Quezon
Del Gallego - unang bayan ng Camarines Sur
Ragay
Lupi - hindi po tayo kakaliwa patungong poblasyon.
Diretso lang po tayo sa Sipocot
Kaliwa tayo sa Tara sa daang PanPhil Hway
Pagdating sa baryo ng Sooc ay kakaliwa po tayo sa daang Barangay. Mga apat (4) na kilometro pa ay nasa baryo  na po tayo ng La Purisima.

Maligayang pagdating!


Friday, January 18, 2013

Ang Aming Kabuhayan


May mga nagtatanong lalo na ang mga kamag anak ko kung anu ano ang ikinabubuhay namin at kung meron mang pinagkakakitaan. Ang sabi pa ng nakararami ay wala daw bakas ng paghihirap na makikita sa aking mga mata, ang pawang malulusog kong mga anak, ang matikas kong pangangatawan ay tila nagpapahiwatig sa kanila na kami ay di hirap at masayang namumuhay dito sa aming baryo.
Tulad na marahil ng mga pangkaraniwang naninirahan sa baryo, ang mga hanapbuhay namin ay hindi halos nagkakaiba. Sa araw araw na pagbubungkal at pagtatanim ng mga halaman, pag aalaga ng mga hayop, at ang pagbubukid ay iyan lang po ang bumubuhay sa akin at ang aking pamilya.
Eto naman sa isang paligid ay mayroon akong maliit na native manukan. Iyan po nakahanda ang mga manok kung kailangan ng masarap sarap na chicken barbecue.

Eto pong mga pananim na mga niyog sa aming paligid ay aming ginagawang kopra at pinagkukunan na rin ng uling. Meron akong isang pribadong tricycle na aming pinaka transportasyon sa pagdala ng mga paninda sa bayan, pamimili ng mga pagkain at iba pang kailangan sa bahay, paghatid sundo sa paaralan.


At kung gusto mo namang first class na inumin ay nakahanda yan para gawing buko juice.
Meron din pong pag tawid gutom sa araw araw na nanggagaling sa aming maliit na grocery store. Kaya minsan din ay nauubos ang paninda dahil sa dito na rin kami kumukuha ng aming pangangailangan.




      Umaasa po ako na sa susunod pang mga araw na madaragdagan ang kasalukuyan naming pang kabuhayan sa tulong ng mga taga labas. Eto po ang pag uusap namin ng aking mga kamag anak na magtayo kami ng mga programa lalo na sa pagpapaunlad ng aming kabuhayan. Kaya masaya at buong pugay kong sinasalubong ang bagong taon.

Saturday, January 5, 2013

New Thoughts this Year


      Masaya ang pagsalubong naming mga taga baryo sa pagpasok ng bagong taon. Maaliwalas ang panahon, manaka nakang pag ulan dahil sa namumuong low pressure area sa Bisaya, at kahit na paminsan minsan ay itinatago ng dumaraang ulap ang haring Araw, ay malinaw sa aking isip na ang pagpasok ng taong eto ay mas masagana kaysa nakaraang taon. Kahit na ang nakaraang taon ay masasabi kong maayos na at doon ay nagkaroon ng katuparan na masimulan ang pagbabago, ang pakiramdam ko, na sa susunod pang panahon at umaasam na mas malayo pa ang patutunguhan.